Sita’s Prayer (Sana Siya Na Nga)

Rama at Sita’s Sana’y Siya na Nga

Sita:

Ako’y bigyang habag, damdami’y ligalig
Bigyan ng kalasag tunay na pag-ibig.
Ganito nga ba? Puso’y tigib ka ba?
Lakas sa pagbanting sinong magwawagi?
Iyon nakita na binata sana nga…
Sakin mapunta pag-ibig niyang wagas.

Pintig ng pusong may pangamba
Pasya ng damdaming may kaba
Buntong hininga dulog kay Bathala
Siya na ba? Siya na nga kaya?

Bakit ba ganito ang bugso ng puso?
Malikmata kaya ang aking sinisinta?
O langit tugunan dasal ng nagmamahal.
Siya na nga kaya? Sana siya na nga.

…Ang pagpili ng kabiyak sa Diyos iniaasa,
Wala tayong pasya kundi tumalima…

Rama:

Pintig ng pusong may pangamba
Pasya ng damdaming may kaba
Buntong hininga dulog kay Bathala
Siya na ba? Siya na nga kaya?

Sita:

Bakit ba ganito ang bugso ng puso?
Malikmata kaya ang aking sinisinta?

Rama:
O langit tugunan dasal ng nagmamahal.

Sita:
Siya na nga kaya? Sana siya na nga.

Rama: Sita:
Pintig ng pusong may pangamba / Tunay ba ang pag-ibig niya?
Pasya ng damdamin may ka ba / Habambuhay nga kaya?
Bugtong hininga’y dulog kay Bathala / Siya sana…
Siya na ba? Siya na nga kaya? / Siya na ba? Siya na nga kaya?

Rama at Sita:
Bakit ba ganito ang bugso ng puso?
Malikmata kaya ang aking sinisinta?
O langit tugunan dasal ng nagmamahal
Siya na nga kaya? Sana siya na nga.

Advertisements

5 thoughts on “Sita’s Prayer (Sana Siya Na Nga)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s